Hindi Ako Dapat Magpopost but What The Heck?!

May 9, 2016

image

Eto talaga un nakapag-paentertain sa akin kanina habang nakapila. Ang kulit lang kasi – may nakita akong Khal Drogo tapos ‘yung iba naman mga normal na pangalan lang. Pati ba naman gumawa ng poster na ‘to, GOT fan?!

image

Hindi ko alam kung bakit five years ago ‘yan pero ang totoo talaga is six years ago yan. ‘Yan yung first time kong bumoto. Yes! Registered voter ako since 2010 elections – pagka-18 ko yata nagparegister na ako agad – excited kasi ako nun bumoto – ‘yung feeling na: “Yes! May magagawa na din ako para sa bansa ko!”. ‘Yung mga ganung idealismo ang meron ako nung mga panahong nag-aaral ako.

Ayun wala lang- nakakatuwa magreminisce.

AT. Wala lang. Iba pa din ‘yung feeling ko kapag nakikita ko ‘yung pangalan ko na nakasama dun sa listahan ng precinct numbers na nakapaskil sa labas ng mga classroom – iba ung feeling of elation – masayang-masaya to the point na nakakaproud – ewan, I think it has something to do nga dun sa I think I have something to do for our country.

Which brings me to tears – (almost) – alam mo ‘yun nung bago ko i-shade ung ballot ko – silent prayer muna na tama ba ‘tong binoto ko at sana nga ito na ang pag-asa. Tapos nung ipapasa ko na siya – although ‘di sinasadya, nasilip ko ‘yung binotong President ng nasa unahan ko and silent smirk kasi pareho kami ng binoto. Haha 🙂 Ayun nga when I submitted my ballot – may almost tears effect pa ako na I really think hope is here.

Last night thoughts ko nga kagabi is – kung sino man ang manalo – nakakatuwa lang na may na-instill nang pag-asa sa mga Pilipino at sana, SANA, kahit sino man ang manalo – hindi mawala ang pag-asa nila sa Pilipinas.

*cue in Ang Ating Araw by Dicta License*

“Sisikat nang muli ang ating araw, sa nayong may hangin na hinipan ng banal…”

Kasi the me six years ago and the me until now- I still felt sad whenever I come across a Filipino that thinks wala nang pag-asa ang Pilipinas – kasi nasasaktan ako – kasi naniniwala pa din ako na may pag-asa ang Pilipinas. At ‘yun din ang dahilan kaya ayokong mag-work abroad – and nakakalungkot din na somehow, nakabilang ako sa kanila – na at one point in my working life – I thought that I cannot progress in the Philippines – na sa ibang bansa makakaipon ako and then babalik ako ulit sa Pilipinas.

At sobrang inis na inis ako sa mga taong nagsasabing ayaw nila magparegister or ayaw nila bumoto for fear na mali un kandidatong iboboto nila or ung pare-pareho lang naman yung mga politiko na mangungurakot – which brings to me to this amazement (kasi nagtravel ako mula QC to Pasig) and then nakita ko ang konti ng mga tao sa kalye – which means madaming bumoto this time.

This time – may nakikita silang pag-asa na maririnig na ang mga boses nila – na nakakakita sila ng pag-asa na hindi pa huli ang lahat para sa Pilipinas – na magbabago pa ito at uunlad.

Ewan. I am not very patriotic pero naiiyak ako sa tuwa. Eto pala yung tinatawag nilang tears of joy – tears of relief from suffering – tears of answered prayer.

Nation transformation. Isa sa mga pinagppray ko ever since college.

At feeling ko dumating na siya. Dumadating na siya.

Kaya eto ako – patuloy na nagdadasal na hindi mawala ang pag-asang iyon sa mga Pilipino.

Sabi ng iba change is coming – pero totoo nga, change had already come – kelangan na lang itong ipagpatuloy – wag tayong mapagod.

Hindi dito natatapos ang lahat. Simula pa lang ito. Simula ng mahabang pakikibaka sa kawalang-pag-asa na hindi na malilinis ang corrupt na sistema ng gobyerno. Simula ng patuloy na pagkilos upang magbago simula sa sarili hanggang sa pamilya at pamayanan. Simula pa lang, sinimulan natin ang laban na ito – tapusin natin hanggang dulo.

Hope on Pilipinas! Never stop! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s