Beaches, Indoors, Games and Everything Under the Sun

Well, to be fair – matagal ko na dapat isusulat tong post na to but I never found the time. But then again – the experience is too good not to remember so here we are. I just came from a roadtrip to Bontoc and here I am writing about an adventure a month before.

As I remember it – dumating ako sa bahay ng 12midnight – straight from a daytour in Zambales (Nagsasa and Capones) and as soon as I hit home I immediately arranged my things and packed for my clothes the next day because – it is our teambuilding!

After like two hours of sleep – I had an alarm set at 3:30am – I went to Makati – good thing na din na nag-taxi ako – one hour of travel lang from Commonwealth to Fairview. I’ll spare you the details of the hintayan and whatnots before pumunta sa venue but it looks like it’s going to be a rainy teambuilding. So much for very hot weather.

(Nagawa pa namin magbraids sa bus!)

And so we had arrived and the first thing (I guess) na hinanap ko sa breakfast is ‘yung bacon! Ewan ko ba – kasi ung line manager ko p-in-romote talaga sa amin un breakfast with bacon kaya aun – I am a sucker for breakfast talaga and favorite ko ang bacon kaya ayun. Masarap ang breakfast. Ewan ko lang kung gutom lang ba ako pero I think all breakfasts are delicious.

Anyway, second teambuilding ko na pala to sa Shell. Last year, waley pa ako masyadong kakilala – ‘yung team ko lang and somehow I felt (before) that even if I am in a sea of unfamiliar faces – I can still enjoy. Anyway – andrama lang kasi naman for four years akong nagttteambuilding kasama ‘yung mga ka-close ko sa PwC and there goes.

Enjoy ‘yung games kahit na akala mo boring kasi naging indoors ang laro (dahil nga maulan) pero katuwa lang kasi ‘yung mga Game of Thrones na teams. Nagstart ata kami sa cheering-cheering (na ‘di naman nawawala kahit kelan) then banner-making na pinagtulung-tulungan naming kulayan un banner na mabuti na lang bright si Malyn kasi sobrang bagal ko mag-arts chuchu at hindi ko ‘yun kayang i-lead. Nakakapressure din kasi minsan kapag sinasabi nilang artistic ako then di ko matapatan ang expectations nila kasi medyo weird ang pagiging artistic ko AND there is that dooming realisation that I am not that great and still so far from being awesome.

(Ung flag namin na nung pipicture-an ko na biglang naging camera-shy…)

Ansaya lang ng team namin (kahit na ayoko pa sana ng Greyjoy na team) kasi may kanya-kanya kaming strength sa team – per game iba-iba ung nag-eexcel.  May nilaro pang rock, paper, scissors and another one AND as usual – hindi naman kami nanalo PERO at least nag-enjoy kami. ‘Yun siguro talaga un natutunan ko nung naka-team ko dati sa PwC sila Ms. May at Sir Eric na kahit hindi kayo leading basta enjoy-enjoy lang. (‘Di ko pa din makalimutan dun is ung buong team namin lumusong sa swimming pool after nung last game just for the heck of it – only to find out na hindi pa tapos and may activities pa kaming gagawin sa assembly room at super-nanginginig ung team namin sa aircon dahil basa kami!)

Good thing din dito kasi is after 12 tapos na ung games – meaning after lunch tambay mode na lang sa place. (And medyo paborito ko na yatang past time ung tumambay) And andun kami sa Canyon Cove Resort – na sabi ng iba ‘di ganun kaganda pero it’s fair enough and I guess hindi naman minsan importante ‘yung lugar and importante ‘yung kasama mo.

Which is sad kasi ‘yung mga close friends ko (even if we’re all in different teams now) is wala. Ai is on sick leave and Sed as well and Malyn is going to the office early for LES. So – there. Ayoko na sana mag-swimming kaso na-entice na naman ako ng tubig – I mean ewan – hindi naman un ung sobrang mapapa-wow ka sa ganda pero I guess my element is water so I am naturally drawn to it. Idagdag pa ‘yung waves in which I am addicted to and there you go. Natawa pa ako before ‘nung nagpipicture pa ako sa gilid ng pool kahit na nakasuot pang-gala pa ako complete with denim pants and Beth suddenly raced towards me – akala ko talaga mahuhulog ako sa pool eh! Pambihira! Nagasigaw ako ng sobra!

Anyway – after the announcing of winners – sumama ako kina Skippy kasi magsswimming daw sila – with TTA peeps na hindi ko naman ka-team pero napaka-welcoming nila. And it turned out hindi naman na pala magsswimming si Skippy so ewan – naglakad kami sa gilid ng shore tapos nakita ko na dun ung mga MF peeps na nagtatatalon sa waves. And so I joined them. Nakakatawa lang kasi ang hina lang ng alon compared dun sa waves ng Nagsasa.

Then – lumipat kami sa pool – mga MF3 girls and after that nagpa-gala gala na ako. Andun ‘yung inaya ko si Abie na manood ng volleyball (for sure matutuwa dito si Decie) kasi andun ‘yung new hire namin na si Athena – tapos nakasabay pa namin sila Gitte. Nakausap ko din dito sila Gale and Val and wandering around nakita ko din sila Beth. Ang saya lang ng feeling na kabi-kabila nakakakita ka ng close friends – I mean, I don’t feel like kelangan kong magstick sa isang group when you can mingle with anyone and everyone. The problem with me kasi is I don’t always share myself and I’m too boxed for my own good but then there are rare times like this na feeling ko tinetest ako ni God if I can surpass this limit. (Well, ang deep na naman ng sinabi ko, but whatever, you get my point.)

But then pinaka-panalo lang is ‘yung hiniram ko ‘yung gitara kay Seth at binalak magplucking ng When It’s Time by Greenday kaso epic fail naman kasi basa ‘yung kamay ko so waley. Minsan talaga nakaka-frustrate lang maggitara – un feeling na gusto mo talaga siya matutunan at gumaling but the world conspired na wag ibigay sa’yo ung wish na un! Pinatugtog ko na lang sa kanya ung Jeepney by Sponge Cola (forever favorite) and nakikanta. Haha. Though parang kami lang naman dalawa nag-enjoy nun. But at least achieved na un kunyaring jamming sessions. Haha!

After that – hinanap namin ni Abie ung shower room and then merienda na after mag-freshen up. Haha. Sumama na lang ako sa table nila Miggie/Tin etc. May moment dun na waley na waley ako eh. But then ayun masarap talaga kumain.

Mag-isa na lang ako sa seat ko pauwi (kasi wala na akong katabi) and umakyat pa din ako sa 20th floor para magCR at mangulit sa mga TMD peeps. Ewan – siguro talaga once a TMD always a TMD. Haha.

But there – nag-enjoy ako sa teambuilding kasi nasamahan ko lahat. I mean –hindi na ako naconfine sa iisang group lang – though may setbacks ‘yung ganun kasi you will never have a constant group but whatever – na-enjoy ko kasi parang lahat ng activities napuntahan ko though mas nagenjoy talaga ako sa jamming sessions at sana mas mahaba un sa isang kanta but well – masaya. Kahit na pagod to the max dahil nag-back to back ako na gala. Ayun lang – sana sa susunod na teambuilding overnight naman. Hehe. Nasanay talaga ako sa overnight na teambuilding eh. Lels.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s